Gandang Hindi Inakala; Tagaytay City


Gusto niyo ba makakita ng mga magagandang tanawin, malamig na klima at mga magagandang pasyalan? Halina’t ating puntahan Tagaytay City na hindi natin aakalain ang kagandahan. Magagandang tanawin ay tiyak na inyong magugustuhan. Kaya halina’t ating puntahan.

Para naman sa mga nais at mahilig tumingin ng mga tanawin, tiyak na iyong magugustuhan niyo ang lugar na ito. Ang People’s Park in the Sky, isa sa mga pinupuntahan ng mga turista ito dahil sa angking kagandahan na iyong makikita. Pak na pak ito sa pictorial dahil sa mga magagandang tanawin. Dito mo makikita kung gaano kaganda ang kalikasan at iyong maiisip na dapat talagang alagaan ang ating mahal na kalikasan.

Isa sa mga makikita dito ay ang Taal Volcano na paniguradong ika’y mamamangha kapag iyong nakita. Ang bulkan na ito ay isa sa mga aktibong bulkan. Maaari mong malapitan ang bulkan na ito sa halagang 2500, sulit ang iyong pagbayad dahil sa kagandahan ng bulkan at tanawin dito.

Skyranch, isa ito sa magandang pasyalan sa Tagaytay City. Kapag ikaw ay pumunta dito ang agad mong makikita ay ang Ferris-wheel na sobrang taas at napakalaki. Kapag ika’y sumakay dito ay tiyak na makikita mo ang buong kagandahan ng Tagaytay City. Makakapasok ka sa pasyalan na ito sa halagang 80pesos, mura at sulit kaya halina’t ating puntahan.

Hindi lamang ferris-wheel ang maaari niyong sakyan dito, ang isa pa sa maaaring sakyan ay ang Viking. Para sa mga matatapang at malalakas ang loob ito ang bagay sa inyo, na paniguradong pagtapos mo sakyan ito ay makakaramdam ka ng panlalambot ngunit isang nakaka-enjoy na sakyan sa halagang 100pesos.

Mga prizes na magaganda at malalaki na dito mo lang makikita. Nakakamangha dahil kay ganda ng iyong makukuha kapag ikaw ay nanalo. Sulit ang iyong ibabayad.

Isa pa dito ang maaari mong sakyan ay ang mga kabayo na ililibot ka. Safe din ito para sa mga bata dahil mayroong magbabantay sa kanila.

Kapag naman ikaw ay pagod at gutom na, halina’t pumunta sa bulalohan na ito, na kung saan mala-romantiko ang kainan na paniguradong mag-eenjoy sa masarap at mainit na bulalo.
Kaya’t ano pa ang hinihintay, halina’t ating puntahan at libutin ang kagandahan ng Tagaytay City. Hindi lamang yan ang maaari mo pang puntahan, marami pang lugar kung saan paniguradong mag-eenjoy ka. Kaya punta na.
Hanggang dito na lang ang aking blog ng “Gandang hindi inakala; Tagaytay City” , muli, leahernandez blog handa kang ilibot at bigyan ng tip pag dating sa lugar na maaari mong puntahan at nais marating.